Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gensan, itinanghal na kampeon sa katatapos na CRAA Meet 2013



(Amas, Kidapawan City/ March 4, 2013) ---Namayagpag ang koponan ng General Santos city matapos na maiuwi ang kampeonato sa katatapos na Cotabato Regional Athletics Association na ginanap sa probinsiya.

Sa puntos na 586.50 umabante ang Gensan sa mahigpit nitong katunggali ngayong taon sa CRAA laban sa South Cotabato na 586.0 na puntos at dati ring may hawak ng kampeonato sa dalawwang magkasunod na taon.

Di naman umuwi ng luhaan ang Cotabato Province makaraang makuha nito ang 2nd Place sa nasabing sports event at sinundan ng Koronadal city na nasa 3rd place.

Ang naturang aktibidad ay pormal na nagtapos kaninang alas dose ng tanghali.

Sa Elementary level tinanghal na kampeon ang Cotabato Province, 1st runner up naman ang South Cotabato, 2nd runner up ang General Santos City at ang 3rd runner up ay ang Koronadal City.

Para naman sa Secondary level, Champion ang General Santos City, 1st runner up ang South Cotabato, 2nd runner up ang Koronadal City at ang Cotabato province para sa 3rd runner up.

Ang mga kalahok na nakakuha ng 1st place ay magiging pambato ng Rehiyon sa gaganaping Palarong Pambansa sa Dumaguete City sa susunod na buwan. (Angelo Traya)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento