Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Region 12, may bagong Zonal Centre



(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Ikinagalak ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang paglalagay ng Zonal Centre sa USM makaraang maaprubahan ang pagtatayo dito sa Rehiyon 12.

Ito ayon kay Zonal Centre 12 Director Dr. Anita Tacardon kungsaan isinailalim ang mga personnel ng zonal sa isang pagsasanay kamakailan hinggil sa National Budget Circular 461- Orientation training and Seminar workshop sa College of Health and Sciences Audio Visual Room.


Sinabi pa ni Dr. Tacardon na malaking tulong ito sa mga State Universities and Colleges sa Rehiyon upang mapadali ang kanilang evaluations at promotions sa mga faculty kagaya ng sa USM.

Kung matatandaan, ang evauations ng mga permanent na guro ng USM ay sa Zonal Centre pa ng Region 11 ipinapasa ang kanilangmga papeles na naging dahilan ng mabagal na pag-usad partikular sa kanilang promotions.

Nabatid na sa Region 12, anim pa lamang na unibersidad ang kasapi kabilang na dito ang USM.

64 na mga partisipante ang nakilahok sa nasabing training, ayon pa kay Dr. Tacardon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento