(Amas,
Kidapawan city/ March 4, 2013) ---Nasungkit ng General Santos City ang 5
kampeonato sa secondary girls category sa larangan ng basketball, chess,
rhythmic gymnastics, womens athletic gymnastics at tennis sa katatapos lamang
na CRAA Meet 2013.
Pumapangalawa
naman ang Koronadal City na nasungkit ang kampeonato sa larangan ng Archery at
Badminton na sinundan naman ng South Cotabato na nasungkit ang kampeonato sa
valleyball girls ng naturang laro.
Sa
secondary boys category naman ay nangunguna ang Koronadal City na nasungkit ang
2 kampeonato sa larangan ng Archery at Badminton. Hindi naman nagpahuli ang
Kidapawn City na naging kampeonato sa larong Chess at General Santos City na
nasungkit ang males athletic gymnastics samantalang nanalo naman ang Cotabato
City sa larong Sepak takraw at South Cotabato naman ang nakasungkit ng
Valleyball.
Samantala:
Sa
Elementary Boys ay nangunguna ang General Santos City na naging kampeon sa
larangan ng Chess at Males athletic gymnastics.
Sinundan
naman ng Koronadal City na kampeon sa Basketball at Cotabato City naman sa
larangan ng Badminton. Hindi naman nagpahuli ang Sultan Kudarat na nasungkit
ang Volleyball.
Sa
girls category naman ay namamayagpag ang General Santos City na nasungkit ang 3
kampeonato sa larangan ng Chess, Girls Athletic Gymnastics at Rhythmic Gymnastics.
Hindi
naman nagpahuli ang South Cotabato na naging kampeonato sa larangan ng
volleyball at Kidapawan City naman sa larangan ng Badminton. (Pearl Landrito)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento