(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Nasungkit
ng Cotabato Province ang 1st place sa Swimming para sa Elementary
Boys category sa katatapos na Cotabato Regional Athletics Association o CRAA
meet 2013 na ginanap sa probinsiya.
Ito ay sa katauhan ni Eugene Ceasar Escoton,
grade 6 pupil ng ECLC at residente ng bayang ito.
Ang batang manlalaro ay nakakuha ng tatlong
medalyang ginto, 1 silver at 1 bronze na nagdala sa kanya upang tanghaling
panalo sa nasabing event.
Una dito, kwalipikado din siya para
makapasok sa Palarong Pambansa na gagawin ngayong Abril sa Dumaguete City.
Ang tatlong mga events na sinalihan ni
Escoton ay ang 200meters freestyle, 100meters freestyle at 200meters individual
medley at magiging pambato siya ng Region 12 sa Palarong Pambansa.
Magiging kasama niya ang dalawang manlalaro
ng Koronadala city na pasok din para sa Palarong Pambansa.
Pormal ng nagtapos kaninang tanghali ang 11th
CRAA meet 2013, kungsaan kampeon dito ang General Santos city na may 586.50
points, 1st Place ang South Cotabato, 2nd Place ang Cotabato
Province at 3rd Place ang Koronadal city. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento