Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Activity for Women’s Month Celebration sa Kabacan, Cotabato; ilulunsad



(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Iba’t-ibang mga programa ngayon ang niluluto ng Pamahalaang lokal ng Bayan ng Kabacan hinggil sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan.

Layon ng nasabing aktibidad na palakasin pa ang impormasyon hinggil sa malaking papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunan na kanilang ginagalawan.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng LGU kabacan at Local Council of Women para bigyang diin ang karapatan ng kababaihan at ang prebilihiyo ng mga ito na isinusulong na batas sa kongreso.  

Nailatag na rin ang mga aktibidad tulad ng massive orientation para sa rights and previledges ng mga kababaihan, RA 9262 o ang VAWC Law, livelihood activities, trainings and capacity building ng mga kababaihan sa barangay level.

Ang mga aktibidad na ito ay gagawin kaagapay ang ibat-ibang civic organisasyon tulad ng KALIPI, RIC, BHW, DCC at ang Moro PCOR. (Pearl Landrito)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento