(Amas, Kidapawan City/ March 4, 2013) ---Nakaranas
ng hypertension ang ilang mga opisyal ng Cotabato Regional Athletics
Association o CRAA meet sa nagpapatuloy na laro simula Pebrero a-28.
Ito dahil sa matinding init na nararanas
ilang araw ng mag-umpisa ang kompetisyon.
Una dito, naireport ng Department of
Education Nurse Liza Bacundo na 16 na mga atleta ng CRAA ang nabigyan ng
medical na atensiyon dahil sa mga sugat na tinamo nila habang nagpapatuloy ang
laro.
Nabali ang braso ng isang atleta ng South
cotabato Division na si Allysa Joy Dolorosa habang naglalaro ng volleyball
kahapon.
Agad namang siya’ng binigyan ng pangunang
lunas.
Samantala, sa resulta kahapon nakakuha ang
koponan ng Cotabato Province ng apat na medalya mula sa iba’t-ibang mga sports
at athletic events. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento