Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang Service erya na sakop ng Cotelco sa Kabacan; nakaranas ng 9 na oras na brown out kahapon


(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Abot sa siyam na oras na brown-out ang naranasan ng ilang mga service erya na sakop ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco kahapon.

Batay sa impormasyon, nagkaroon umano ng pay-outing sa substation ng feeder line 336 conductor wire at rehabilitasyon ng 69KV line ng cotelco dahilan ng nasabing mahabang kalawan ng kuryente kahapon.

Naapektuhan ang kanang bahagi ng Kabacan papuntang cotabato city kabilangna dito ang Dagupan, Sanggadong, USM, aringay, Malanduage, Bannawag, Bangilan, Pisan, Salapungan, Pedtad, Buluan, Nangaan at Kayaga.

Nagsimulang nawala ang supply ng kuryente alas 8:00 kahapon ng umaga at bumaik ang kuryente alas 5:00 na ng hapon.

Samantala, una na ring sinabi ni cotelco General Manager Godofredo Homez na aasahan pa ang mahabang brown-out sa mga service erya ng cotelco sa buwan ng Hunyo, pero ngayon palamang ay gumagawa na sila ng hakbang para maibasan ito sa pamamagitan ng pagbili o pagrenta ng modular generator set na siya’ng options an inilatag ng Department of Energy o DOE. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento