Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Deployment ng mga police sa Kabacan, pinalalakas –hepe ng Kabacan PNP


(Carmen, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Mas pinalalakas pa ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang deployment sa kanilang tropa para tiyakin ang seguridad sa bawat sulok ng Kabacan, partikular sa Poblacion.

Ito ang inihayag ni Supt. Leo Ajero sa panayam sa kanya ng DXVL 94.9 Radyo ng Bayan kungsaan ang nabanggit na lugar ang kadalasang pinangyayarihan ng krimen.

Sa ngayon naglagay ang opisyal ng Police Box sa iba’t-ibang lugar sa Poblacion kungsaan may mga naka deploy na Police Personnel at militar, ito para madaling maka-report agad ang publiko sakaling may mangyayaring krimen sa lugar.

Layon din nito na palakasin pa ang kanilang police visibility sa mga matataong lugar ng Kabacan.

Hinikayat din ng opisyal ang mamamayan na agad na makipagtulugan sa kanila para sa agarang ikaresolba ng anumangmga kriminalidad na nagyayari sa bayan.

Bukod sa nabanggit may mga inilatag din silang police cops o yu’ng mga motorcycle men in uniformed na siya’ng naglilibot at nagbabantay sa mga pangunahing kalye ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento