(Kabacan,
North Cotabato/August 8, 2012) ---Simula kahapon ng umaga ay mahigpit na minomonitor
ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang Cotabato Davao city National
Highway.
Ito ang
nabatid mula kay Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Cornelio Salinas
makaraang makatanggap sila ng intelligence report na planu umanong atakehin ng
mga armadong grupo ng Bangsanoro Islamic Freedom Fighter na pinamumunuan ni
Bangsamoro Islamic Freedom Movement Ameril Umbra Katu ang ilang mga lugar sa
North Cotabato.
Ang
nasabing hakbang mga mga break away group ay kasunod ng mga pang-aatake ng mga
ito sa lugar ng Maguindanao.
Kaya naman muling nagpa alala si Salinas sa
taumbayan na maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao o bagay na maaaring
makasira sa kapayapaan sa probinsiya ng North Cotabato.
Ang mensahe ay ipinalabas ni Salinas matapos
ang sunod-sunod na pag atake ng
rebeldeng grupo sa iba’t-ibang lugar sa Maguindanao.
Sa kabila
nito, normal naman sa ngayon ang biyahe sa nasabing mga ruta.
Pina-iingat
naman ng opisyal ang mga pampublikong mananakay na maging doble ingat at maging
vigilante sa mga kahina-hinalang mga tao at bagay sa paligid.
Kaugnay nito, pina alalahanan ng Opisyal ang
mga transport groups na sundin ang bagong
pulisiya ng Land Transport terminal Security System na kumuha lang ng mga
pasahero sa terminal ng mga bayan upang matiyak ang seguridad ng mga commuters
upang makaiwas na din sa mga insidenteng dulot ng pamimik-up ng mga pasahero ng
hindi mula sa mga pampublikong terminal.
Una dito, isang ring malakas na pampasabog
ang gumulantang sa bahagi ng Pobalcion, Pagalungan, Maguindanao subalit wala
namang naireport na nasawi o nasaktan sa nasabing roadside bombing, bukod pa sa
IED rin na gawa sa 81mm mortar ang nakita sa bayan ng Midsayap, kahapon ng
madaling araw. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento