(Kabacan, North
Cotabato/August 8, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda para sa pagdiriwang ng
ika siyam na put walong Kalivungan Festival sa lalawigan ng North Cotabato.
Magsisimula ang
selebrasyon sa agosto ika binte kwatro at tatagal ng isang linggo.
Inaabangan ang mga
makukulay na presentasyon ng iba’t-ibang kultura at tradisyon sa probinsiya.
Inaasahan na din ang
pagdagsa ng mga turista sa taunang selebrasyon.
Kaugnay nito, kasado na
ang security measures para matiyak ang kaligtasan ng mga North Cotabateno na
dadagsa sa iba’t-ibang pagdadausan ng mga aktibidad at maging ng mga turista.
Kaugnay nito,
bibisitahin naman ng mga grupo ng Rated K ng ABS-CBN ang iba’t ibangmga tourist
spot ng North Cotabato at kabilang sa kanilang pupuntahan ay ang bayan ng
Kabacan kungsaan itatampok sa kanilang featured story ang sikat na patel ng
Kabacan.
Aalamin ng grupo kung
anu ang mga pangunahing sangkap sa paggawa ng patel at magkakanu ang benta ditto.
Ang pagkaing patel ay
sikat na pagkain dahil sa kumpleto na ito, may kanin kana may ulam kappa.
Ayon kay Tourism focal
Person Sarrah Jane Guerrero, ipinagmamalaki ng bayan ng Kabacan ang patel na
siyang tinaguriang native food na gawa ng mga kapatid nating Muslim. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento