Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kalivungan Festival ng North Cotabato, 2nd place sa Aliwan Festival 2013

(Pasay city/ April 15, 2013) ---Naiuwi ng delegado ng North Cotabato ang ikalawang pwesto sa katatapos na Aliwan Festival 2013 na isinagawa sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City, Maynila.

Ayon kay Provincial Tourism Focal Person Ralph Ryan Rafael, patunay lamang na ang mga contingent ng probinsiya ay di rin mabibitin sa mga pambansang kompetisyon.

Ang kalivungan Festival ng North Cotabato na nirerepresenta ng Ragsak dancers buhat sa Salunayan, Midsayap, North Cotabato ang nagpakita ng kakaibang galling sa pagsayaw at pagtugtog sa nasabing aktibidad.

Nasa unang pwesto pa rin ang Dinagyang Festival ng Iloilo na nasa ika-apat ng taong kampeon sa taunang Festival ng Pilipinas.

Nakuha naman ng Meguyaya Fetival ng Upi, Maguindanao ang ikatlong pwesto.

Abot sa 17 mga contingent ang naglaban-laban ngayong taon buhat sa iba’t-ibang mga rehiyon ng bansa, anim ditto mula sa Mindanao.

Sa ngayon, sinabi ni Rafael na lalo pa nilang paghahandaan ang nasabing kompetisyon sa susunod na taon, para makuha ang kampeonato sa Aliwan Festival na hawak ng Iloilo sa kasalukyan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento