(Pigcawayan, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Kasong paglabag sa RA 7942 o Philippine Mining Act of 1995 ang kinakaharap
ngayon ng apat katao makaraang mahuli sa illegal mining activity sa Sitio
Lampaki, Brgy. Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato.
Kinilala ni P/CInps. Joffrey Todeño, hepe ng
Pigcawayan PNP ang mga suspek na sina: Michael Sadang, 32; Sonny Gattoc, 43;
Nicasio Calpo, 38; Nelvin Revilla, 32 lahat residente ng Midsayap, North
Cotabato.
Agad namang isinailalim sa medikal
eksaminasyon ang apat sa Dr. Amado Diaz Provincial Hospital sa bayan ng
Midsayap bago inilipat sa Pigcawayan Police Station para sa tamang disposasyon.
Nanguna sa pag-aresto sa mga suspek sina P02
Angelito Militar, 1Lt. Mark Lasam, Commanding Officer ng 40IB, PA kungsaan
nakuha mula sa erya ang iba’t-ibang gamit ng mining equipment at isang sako na
naglalaman ng 10 ½ kilos ng Ore.
Sa ngayon, inaaksyunan na ng mga personnel
ng Mines and Geosciences Bureau o MGB ang nasabing kaso. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento