Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Residential House sa loob ng USM compound, muntik ng madilaan ng apoy


(USM compound, Kabacan, North cotabato/ April 19, 2013) ---Muntik ng masunog ang isang residential house na nasa USM Housing sakop ng USM compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:45 kaninang umaga.

Sa panayam kay Fire Senior Insp. Ibrahim Guiamalon bagama’t di nadamay ang bahay na inuukupa ni Esperanza Carumba, 59 na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Natupok naman ng apoy ang dirty kitchen nito kungsaan P1,500.00 ang naitalang pinsala.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga bumbero, nilalaruan umano ng mga bata ang apoy sa nasabing kusina at napabayaan nito hanggang sa natupok ang buong kusina.

Mabilis namang rumesponde ang USM Firetruck kasama ang USM Security guard kaya din a kumalat ang apoy.

Ito na ang pangatlong kaso ng sunog na naitala sa buwang ito.

Matatandaan na nilamon ng apoy ang dalawang bahay na nasa Matabay Plang, USM Compound alas 9:45 noong linggo at noong April 9 ng gabi nasunog din ang dalawang palapag na Miriam’s Dormitoryo na nasa Arcedo St.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Guiamalon sa publiko na maging maingat lalo pa’t napakainit ang panahon at malibis ang pagliyab ng apoy dahil sa tinding init ng panahon. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento