(Kabacan, North Cotabato/ April 16, 2013)
---Laksa-laksang mga grade 5 pupils sa Kabacan ang ngayon ay sumailalim sa taunang
Summer Kids Peace Camp na nagsimula kahapon.
Ayon sa mga oraganizer ng nasabing aktibidad
kagaya ng ibang mga munisipyo, magtatagal din ng tatlong araw ang naturang
programa ng pamahalaang probinsiya sa pakikipagtulungan ng mga LGU at ng ilang
mga Non government organization kagaya ng Moro P’core.
Unang isinagawa kahapon ang isang pagtuturo
sa mga kabataan ang pagbabago sa sarili na pinangunahan ng Population Division
ng Cotabato Province at sinundan ng intra-faith at lecture hinggil sa
Kapayapaan.
Nanguna sa nasabing pagtuturo ang grupo ng
Moro P’core na naka base dito sa bayan ng Kabacan.
Bukod dito, ituturo din sa mga kabataan ang
leadership training, pangunang lunas at marami pang iba.
Binuksan ang programa sa pangunguna ni
Cotabato Gov. Emmylou Talino Mendoza.
Suportado naman ng LGU Kabacan ang nasabing
aktibidad.
Ang summer peace kids camp ay isinasagawa
ngayon sa Kabacan Pilot Central elementary School. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento