Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 200K, danyos sa nangyaring sunog sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013) ---Nilamon ng apoy ang dalawang bahay na nasa Matabay Plang, USM Compound, Kabacan, Cotabato alas 9:45 kahapon.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon tinatayang nasa P250,000.00 ang kabuuang danyos sa nangyaring sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang nasabing bahay na pag-mamay-ari nina Madaliday Kandog at Oscar Sebastian.

Nagsimula umano ang apoy sa Bedroom ng mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero kasama na ang USM FireTruck kaya naagapan pa ang pagkakadamay ng ilang mga bahay sa paligid na gawa din sa light materials.

Sinabi ni Guiamalon na wala namang may nasawi o nasaktan sa nasabing sunog.

Sa ngayon nagpapatuloy pa angkanilang imbestigasyon kung anu ang pinagmulan ng apoy.

Ito na ang pangalawang sunog na nangyari sa bayan sa buwang ito, kungsaan noong nakaraang linggo nasunog din ang dalawang palapag na gusali ng Mirriam’s Dormitory na nasa Arcedo St. ng bayang ito. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento