Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nalin Flood Control Project, inaasahang maipatutupad pagkatapos ng eleksyon sa Mayo


(Midsayap, North Cotabato/ April 15, 2013) ---Umaaasa ang mga residente ng Barangay Nalin sa Midsayap, North Cotabato na masisimulan na ang Nalin Flood Control Project pagkatapos ng gaganaping eleksyon ngayong Mayo a-13.

Kaugnay ng mas lumalalang pagguho ng pampang ng Libungan River sa bahagi ng nabanggit na barangay ay gumawa na ng kaukulang aksyon ang Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District.

Nagsumite na ng kaukulang dokumento ang opisina ni District Engr. Doroteo Ines Jr. na humihiling kay DPWH Secretary Rogelio Singson upang mapondohan ang nasabing flood control project, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Abot sa 50 milyong piso ang kinakailangang pondo upang maipatupad ang konstruksyon ng river bank protection at spur dike structures sa lugar.

Ikinagalak naman ni Nalin Barangay Chairperson Melquiades Cagang ang inisyatibong ito ng DPWH.
Ayon kay Chairman Cagang, pinapasalamatan nila ang pagpupursige ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan dahil sa pagpupursige nitong maimplementa ng DPWH ang proyekto sa lalung madaling panahon.

Kung magtuloy-tuloy ang pagguho ng riverbank ay maaring masira ang daan- daang ektarya ng palayan na ikinababahala ngayon ng mga magsasaka sa lugar. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento