Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Landmine, sumabog sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ April 15, 2013) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Purok 2, Malasila, Makilala, North Cotabato alas 8:30 kagabi. 

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay 57th IB, PA spokesperson Lt. Col. Nasrullah Sema, wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog, pero naglikha ito ng takot at tensiyon sa mga residente sa lugar

Ayon sa opisyal,  sumabog ang isang Land mine na Improvised Explosive Device 50 metro ang layo habang papadaan ang sasakyan ng mga sundalo sa lugar.

Dagdag pa ni Sema na itinanim ng mga pinaniniwalaang New People’s Army o NPA ang nasabing pampasabog batay na rin sa mga signature ng mga ied nilalagay ng mga grupo.

Posibleng itinanim ang nasabing pampasabog kasagsagan ng laban ni Donaire kungsaan walang tao sa lugar kahapon ng tanghali.
                                                          
Target umano ng mga kaliwang grupo na pasabugan ang tropa ng militar na dumadaan sa lugar, ayon kay Sema. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento