(Kidapawan City/ April 18, 2013) ---Nasa bayan ng Carmen, North cotabato ang sentro ng
nangyaring lindol alas 5:51 ng hapon kahapon.
Ito
ayon kay Engr. Milo Tabigue ng Phivolcs Kidapawan sa panayam ng DXVL Radyo ng
Bayan ngayong umaga.
Sinabi
ng opisyal na batay sa pinakahuling bulletin ng kanilang opisina, nakapagtala
sila ng 5.3 magnitude na lindol at may lalim na 9 kilometers at tectonic in
origin.
Dahil
sa lakas ng mga pagyanig may mga iniulat na nabasag na mga babasaging paninda
sa isang malaking establisiemento sa Kabacan, may mga nabasag din mga gamit sa
USM administration building.
Wala
namang may nasawi o nasaktan sa nangyaring pagyanig na naramdaman din sa Kidapawan
City, Matalam; Pagalungan, Maguindanao at ilang bahagi ng Davao.
Ilang
mga residente ng Kabacan kahapon ang nagulat sa malakas na pagyanig ng lindol.
Matatandaan
na 2007 may malakas din na lindol ang yumanig sa bayan ng Makilala, ayon kay
Tabigue. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento