(Datu Piang, Maguindanao/ September 30, 2013) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng tropa ng mga sundalo sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 9:30 kagabi.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army, Spokesman Colonel Dickson Hermoso pinasok ng mga rebeldeng grupo ang Brgy Madtalbayog, Brgy Glaci, Brgy Magaslong at Brgy Gumbay sa nasabing bayan kung saan inatake ng mga rebelde ang posisyon ng 45th Infantry Battalion Phil. Army at mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).
Dahil sa tindi ng bakbakan nagsitakbuhan ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas ng lugar.
Karamihan sa mga nagsilikas ay pumasok sa Notre Dame High School, Municipal Gym at simbahang katoliko.
Napasok na rin ng BIFF ang Poblacion proper kaya nahihirapan ang militar at pulisya sa seguridad ng mga sibilyan.
Sinabi ni Colonel Hermoso na agad namang umatras ang mga kalaban ng dumating ang dagdag na pwersa ng tropa ng pamahalaan.
Sa ulat ng militar, wala namang nasugatan sa panig ng gobyerno pero di pa matiyak sa pangkat ng mga rebelde. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS

0 comments:
Mag-post ng isang Komento