(Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2013) ----Ibinasura ng Court of Appeals ang inihaing motion for reconsideration ng mga proponent ng Genetically Modified Organism o GMO hinggil sa pagsasagawa ng field testing ng BT Talong sa bansa.
Ito makaraang maglabas ng desisyon noong Huwebes ang court of appeals sa pagbabawal ng pagsasagawa ng field testing ng BT Talong sa Pilipinas.
Sinabi ni Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag unlad ng Agrilkutara Dr. Chito Medina na dumaan sa butas ng karayom ang proseso ng kaso upang mapahinto ang field testing ng BT Talong.
Una na kasing nag-file ng motion to inhibit ang Bio technology Coalition of the Philippines dahil sa hindi umano pinakinggan ng Court of Appeals ang kanilang panig.
Naghain rin ng motion for reconsideration ang UP Los Banos at UP LB Foundation dahil paglabag raw ito sa academic freedom ng unibersidad na magsagawa ng research.
Subalit nanindigan ang Court of Appeals na legal ang kanilang desisyon sa pagbasura sa kanilang motion.
Dagdag pa ni Medina, maituturing na isa itong tagumpay para sa adbokasiya ng pagtataguyod ng karapatan ng mamamayang Pilipino na umayaw sa mga genetically modified organisms dahil sa panganib na hatid nito sa kalusugan at kalikasan.
Isa sa mga sites ng field trial ay isinagawa dito sa University of Southern Mindanao (USM), isa sa pinakamalaking Pamantasan sa Central Mindanao na nasa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Ang field testing ng BT Talong sa USMARC ay umani rin ng maraming protesta noon mula sa mga grupo ng environmentalist at pangkat ng mga tumututol sa GMO o Bio-technology. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Court of Appeals: Field testing ng BT Talong sa Pilipinas, ibinasura
Martes, Oktubre 01, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento