(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30,
2013) ---Puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng Mathematical Society of the
Philippines para sa nakatakdang pagdaraos ng 16th Philippine
Mathematical Olympiad na gagawin sa College of Arts and Sciences, University of
Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato sa Oktubre a-12 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay ARMM/Region 12 Coordinator Dr.
Jonald Pimentel ng Math and Stat Department ng USM layon ng aktibidad na
palakasin at lalo pang pag-ibayuhin ang Mathematics education sa bansa.
Bukod dito, balak din ng Olympiad na ito na
kilalanin at bigyang kahalagahan ang mga mathematically gifted na indibidwal.
Ang qualifying stage ay gagawin sa CAS
building, USM, Kabacan, Cotabato ganap na ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon
sa October 12.
Ang area stage ay gagawin sa November 16,
2013 at sa January 25, 2014 naman ang National Stage na isasagawa sa Kalakhang
Maynila.
Ang magwawagi sa PMO ay awtomatikong
kwalipikado sa 2014 na International Mathematical Olympiad.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyari
lamang na sumaangguni kay Region 12/ARMM Coordinator Dr. Jonald Pimentel ng
Math and Stat department ng USM sa 09107561365. Rhoderick Beñez/DXVL NEWS
0 comments:
Mag-post ng isang Komento