(USM,
Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2013) ---Respeto sa bawat isa, ito ang
binigyang diin ni Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco
sa kanyang mensahe sa 61st Founding Anniversary ng USM kahapon ng
umaga.
Bagama’t
maiksi pero malaman ang mahigit lamang sa sampung minutong mensahe ng
kongresista.
Aniya,
kailangan umano ang paggalang sa bawat isa upang maabot ng USM ang dapat na
pangarap nito.
Sinabi pa
nito na ang USM ang pinakahalimbawa ng mga tribong Muslim, Christian at Lumad
na dapat ay magkaisa.
Humingi din
ito ng paumanhin sa lahat ng mga taga-USM sa pagtatalaga bilang OIC kay Atty.
Christopher Cabilen, ito dahil sa ang nais ng mga raliyesta noon ay hindi galing
sa kanila ang ilalagay sa posisyon dahil sa malinis ang kanilang hangarin, ayon
pa kay Congresswoman Catamco.
Pabalik-balik
nitong sinabi na malaki ang respeto ng kongresista sa bawat isa, lalo na sa mga
faculty, guro at mga mag-aaral ng USM.
Iginiit
nitong hindi siya makikialam sa proseso ng pagpili ng Presidente sa USM.
Aniya dapat
umanong, ibahagi ang naging karanasan ng paaralan buhat sa mga aral na nakuha
sa nagdaang krisis sa Pamantasan.
Sisikapin din
nitong mapondohan na ang search committee para malagyan na ng bagong Pangulo
ang USM at matahak ang direksiyong dapat nitong puntahan lalo na sa pagbibigay
ng de kalidad na edukasyon.
Ang
kongresista ay tinaguriang “Diwata ng Apo” at ikalawang termino niya na ngayon
bilang kongresista sa ikalwang distrito ng North Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento