(Kidapawan
City/ October 3, 2013) ---Nagsimula na ngayong linggo ang taunang ‘Octo Trek’
sa Mt. Apo gamit ang Kidapawan trial sa kabila ng banta sa seguridad ng mga
armadong grupo sa lalawigan ng North Cotabato.
Sinabi
ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recemilla na sa kabila ng banta sa
seguridad ay tuloy pa rin ang kalakalan sa larangan ng turismo sa Kidapawan
city, ito dahil ang “Kidapawan city is in business”.
Kaugnay
nito maging si City Disaster Risk Reduction Management Officer Psalmer Bernalte
na ang lungsod ay ligtas sa anumang panganib dulot ng mga rebeldeng nanggugulo
sa probinsiya.
Ginawa
ni Bernalte ang pahayag sa lingguhang Kapihan ng NUJP sa lungsod ng Kidapawan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento