Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magarbong Pasiklaban Festival 2013 ng USM, Pormal ng nagsimula!

Photo by: Philip Andrew Garcia
(Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2013) ---Pormal ng nagsimula kagabi ang Pasiklaban 2013 sa University of Southern Mindanao.

Ang nasabing aktibidad ay taunang isinasagawa sa Uniberdidad kungsaan pinagbibidahan ng iba’t-ibangmga organisasyon sa Pamantasan.

Ang magarbong pagbubukas na ito ay pasisinayaan ng isang pabulusong grand torch parade bilang panimula na kung saan ay magsisimula sa USM Quadrangle na dadaluhan ng mga kalahok na mula sa apat na konseho o councils, ang Council for Inter-Academic Organization, Council for Inter-Non Academic Organization, Council for Inter-Fraternities and Sororities at Council for Campus Ministries. Ang apat na konseho ay ang mga maglalaban sa humigit kumulang na tatlong pong contesting areas.


Ibibida din sa Pasiklaban 2013 ang katatapos lamang na Mr. and Ms. USM 2013 na ginanap noong Setyembre abente kwatro  sa USM Gymnasium na kong saan ay nasungkit ng College of Veterinary Medicine ang titulong Ms. USM at College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS ang Mr. USM. Nauna na rin ang talent presentation at preliminary interview.

Kaugnay nito, ipapakalat na rin ang mga elemento ng pulisya at military para tiyaking ligtas ang buong aktibidad ng Pamantasan.

Nakasentro ang aktibidad sa temang “Ika-labing siyam na siklab ng Pasiklaban daan tungo sa mas matiwasay at mapayapang USM”. (Rhoderick Beñez with report from Cris Tuscano)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento