(Midsayap, North Cotabato/ September 23, 2013) ---Dalawang kasapi ng Moro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nasa
ilalim ng pamumuno ni Ustadz Ameril Umbra Kato ang iniulat na namatay
habang marami ang sugatan sa sugapaan ng pangkat ng nasabing rebelde at tropa
ng pamahalaan sa nagpapatuloy na bakbakan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Sinabi ni 602nd Spokesperson
Captain Antonio Bulao na ang nasabing sagupaan sa Barangay Polomuguen ay
nagresulta din ng pagkamatay ng isa nilang sundalo.
Kinilala ang sundalong
binawian ng buhay na si Cpl. Robert Baling, 26, mula sa 40th IB
at residente ng Pigcawayan, North Cotabato.
Nagsimula ang bakbakan
sa nasabing barangay alas 7:40 kaninang umaga ng hinarass ng mga rebeldeng
grupo ang CVO outpost.
Malaki ang paniniwala ni
Bulao na grupo ni Kato ang mga umatake, makaraang nanguna sa nasabing pag-atake
ang field kumander ni Kato na si Kumader DM at Kumander Abas Kudanding.
Samantala sa hiwalay na
ulat ni 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman Colonel Dickson Hermoso
na apat na guro at labing isang magsasaka ang hawak ngayon ng mga rebelde.
Ngunit sa pahayag ni Midsayap Mayor Romeo Araňa na may mga mag-aaral rin mula sa Malingao Elementary School ang hawak ngayon ng mga rebelde ngunit di pa matiyak ang bilang nito.
Ngunit sa pahayag ni Midsayap Mayor Romeo Araňa na may mga mag-aaral rin mula sa Malingao Elementary School ang hawak ngayon ng mga rebelde ngunit di pa matiyak ang bilang nito.
Sa panayam ngayong hapon
ng DXVL News kay kay North Cotabato 1st District Board Member Loreto
Cabaya na gumagawa sila ngayon ng hakbang para mapalaya ang mga biktima.
Kasama ni Cabaya si
Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael na mismong nasa erya,
para magbigay ng pinakahuling kaganapan.
Habang nagbibigay ng
report sina Cabaya at Rafael sa DXVL NEws ay maririnig sa background ng
interbyu ang putukan sa lugar ngayong hapon lamang kungsaan di kalayuan ang mga
ito sa bakbakan ng mga sundalo at mga BIFF.
Kaugnay nito, mas dumami
pa ngayon ang mga sibilyan na nagsilikas dahil sa nagpapatuloy na sagupaan ng
militar at BIFF sa Barangay Malingao, Rangaban at Brgy Polongoguen sa bayan ng
Midsayap.
Sa kanyang Facebook
Account, tiniyak naman ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na
madadaanan naman ang National Highway ng Midsayap.
Una
nang inamin ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na sila ang nasa likod ng
pang-aatake.
Nilinaw
naman ni Mama na walang kaugnayan sa Zamboanga City standoff ang kanilang
pag-atake
Sa
ulat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, alas 8:00 kaninang umaga 15
ang hinostage umano ng BIFF at pinakawalan ang 12 iba pa.
Daang daang mga residente na rin ang nagsilikas mula sa mga brgy Bual Norte , Malingaw at Palunoguen.
Daang daang mga residente na rin ang nagsilikas mula sa mga brgy Bual Norte , Malingaw at Palunoguen.
Pinauwi ang mga mag-aaral sa Midsayap Pilot Elementary School dahil posibling target rin itong salakayin ng mga rebelde.
Mariing sinabi naman ni Mayor Romeo Araňa na sympathy attack ito ng BIFF bilang suporta sa kanilang kaalyadong grupo na MNLF Misuari Faction na patuloy na tinutugis ng militar at pulisya sa Zamboanga City.
Sa ulat ng PIA-12, may nagpapatuloy na umanong negosasyon sa bayan ng Midsayap hinggil sa nangyaring sagupaan sa nasabing bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento