Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 2,000 mga pamilya, nagsilikas matapos magkasagupa ang militar at BIFF sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Tinatayang abot sa 2 libung mga pamilya buhat sa apat na mga barangay ang nagsilikas na simula pa kahapon at kagabi dahil
sa nagpapatuloy na sagupaan ng pangkat ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at sundalo sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat ng Provincial Government, apat na mga guro ang napalaya kagabi makaraang mahostage ang 12 matapos na ma trap ang mga ito kasama na ang kanilang mga estudyante ng sumiklab ang bakbakan sa Malingao elementary School sa nasabing bayan.

Sa ulat ni Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael apat na mga guro ang napalaya matapos ang ginawang negosayon sa pangunguna ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza sa tulong na rin nina Board Member Kelly Antao at Deputy Governor for Muslim Affairs Idress Gandalibo.

Kinilala ang mga biktimang nakalaya na sina: Honey Corpuz, Ruby Hirro, 39; Rose Escote, 49 at Edna Cortel, 56 kasama ang isang bata na Limang taong gulang na kinilalang si Kesha Angela, anak ni Hirro.

Batay sa ulat, 9 pang mga guro ang ngayon ay bihag ng mga rebeldeng grupo.

Bago mag-alas 7:00 kagabi, tatlong mga sundalo ang kumpirmadong namatay, ayon sa ulat ng North Cotabato Provincial Government Media na kinilalang sina: Robert Baling, 26, 40 IB, residente ng Pigcawayan, North Cotabato; dalawa naman mula sa 7th IB na kinilalang sina Ballares Renon James, 23 mula sa Kalinan, Davao del Norte at Alejo Adonis, 29 ng Tibao, Mlang, Cotabato.

Sa  ngayon bantay sarado na ng mga sundalo at militar ang paligid sa nasabing bayan, para di na umabot pa sa matataong  lugar ang sagupaan.

Una dito, apat kasi na mga barangay ang pinasok ng panakat ng mga rebelde na nagresulta ito ngayon ng bakbakan at pagkakalikas ngmaraming pamilya mula sa brgy Malingao, Polomogen, Mudsing at Rabangan.

Sinabi naman sa DXVL ni PCInsp. Jordine Maribojo na naka alerto rin ang Kabacan PNP sa posibleng diversionary ng mga ito saNational Highway.

Sa kanyang Facebook Account, tiniyak naman ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na madadaanan naman ang National Highway ng Midsayap.

Una nang inamin ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na sila ang nasa likod ng pang-aatake.

Nilinaw naman ni Mama na walang kaugnayan sa Zamboanga City standoff ang kanilang pag-atake
Sa ulat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, alas 8:00 kahapon ng umaga 15 ang hinostage umano ng BIFF at pinakawalan ang 12 iba pa.

Daang daang mga residente na rin ang nagsilikas mula sa mga brgy Bual Norte , Malingaw at Palunoguen.

Samantala, nagkagulo naman sa mga paaralan sa bayan ng Midsayap dahil nataranta ang mga guro at estudyante sa nangyaring panghohostage ng BIFF sa Malingao Elementary School.

Pinauwi ang mga mag-aaral sa Midsayap Pilot Elementary School dahil posibling target rin itong salakayin ng mga rebelde.

Mariing sinabi naman ni Mayor Romeo Arana na sympathy attack ito ng BIFF bilang suporta sa kanilang kaalyadong grupo na MNLF Misuari Faction na patuloy na tinutugis ng militar at pulisya sa Zamboanga City. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento