(Midsayap, North Cotabato/ September
24, 2013) ---Isang sibilyan ang pinugutan ng ulo habang pinagbabaril naman ang
isa pa ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF habang sila
ay papatakas dakong alas 9:00 kagabi.
Kinilala ni Police Supt. Reynante
Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktimang pinugutan ng ulo na si Recarte
Dionio, 31-anyos at si Erwin Diluan, 22-anyos na binaril sa ulo na pawang
residente ng Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa report, sina Dionio at Diluan
ay dinala ng mga BIFF habang sila ay tumatakas papunta sa Liguasan Marsh.
Kinondena naman ng lokal na
pamahalaan ng Midsayap ang karumal-dumal na krimen na ginawa sa mga sibilyan.
Kaugnay nito, tiniyak ni 6ID
spokesperson Col. Dickson Hermoso na tutugisin nila ang mga nasa likod ng
pag-atake at pagpaslang sa mga sibilyan at papanagutin sa batas upang mabigyan
ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang sibilyan, tatlong sundalo at
pagkakasugat ng limang iba pa, kabilang ang dalawang residente ng Midsayap. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento