Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong pasa sa Licensure Examination for Agriculture na estudyante ng USM, binawian ng buhay

(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Matapos ang ilang araw na pakipaglaban kay kamatayan ay tuluyan ng iginupo ng kanyang sakit ang 21-anyos na bagong pasa sa Licensure Examination for Agriculture makaraang binawian ito ng buhay habang ginagamot sa Davao Medical Center alas 10:00 ng umaga kahapon.

Namatay si Charlie Camillon Balonebro, tubong Tulunan, North Cotabato dahil sa kumplekadong sakit na iniinda nito, ayon kay Sunshine Labatorio dating kaklase ng biktima sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Nabatid na lumalala umano ang sakit ni Balonebro ilang araw matapos na kumuha ito ng kanyang Licensure Exam for Agriculture kungsaan pasado rin ang biktima sa nasabing eksaminasyon.

Posibleng umanong ang pagpupuyat nito sa pag-rereview ang isa sa mga dahilan kung bakit lumala ang sitwasyon ng biktima.

Para kay Sunshine, malaking kawalan para sa kanila ang kanilang kaibigan na si Balonebro kungsaan isa itong masayahing estudyante, mabait at matulungin noong estudyante pa sila.

Dating LSG-Governor din ang biktima.


Sa ngayon, nag paabot na rin ng pakikiramay ang mga kaibigan, kaklase at mga guro nito buhat sa College of Agriculture sa mga naulilang pamilya ni Balonebro. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento