(Kidapawan City/ November 25, 2013) ---Maari
na umanong humiling ng half rice sa mga kainan sa Kidapawan city, ito kung
maipapasa na ang ordinance number 13-706 sa Sangguniang Panglungsod.
Ang nasabing ordinansa ay ipinanukala ni
City Councilor Alan Amador sa layuning maiwasan ang pag-aaksaya ng bigas o
kanin at bilang paggunita na rin sa taong 2013 bilang National Year of Rice.
Nakasaad sa nasabing panukala na isali sa
mene ang kalahating tasa ng kanin o half rice sa mga kainan, restaurants,
cafeterias, canteens, fast food chains at catering operations sa lungsod.
Kaugnay nito, isasagawa ang public hearing sa
Kidapawan city Gym ngayong December 6,2013 alas 8:30 ng umaga. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento