Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

500 bags ng mga salt Fertilizer, ipapamahagi sa mga magsasaka sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 29, 2013) ---Abot sa 500 bags ng mga salt fertilizer ang nakatakdang ipamahagi sa mga magsasaka ng Kabacan sa darating na Huwebes (November 28, 2013).

Ito ayon kay Agricultural Technologist and Report Officer Tessie Nidoy ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan.

Pansamantalang nakalagak ngayon ang nasabing abono sa Municipal Gym na tumitimbang ng 50 kilo ang bawat sako.

Ang nasabing fertilizer ay para sa mga magniniyog sa bayan sa ilalim ng programa ng Philippine Coconut Authority o PCA.

Bukod dito, sinabi ni Municipal Agriculturist Sasong Pakkal na may dumating ng tatlong bagong knapsack spayer sa Kabacan mula sa DA Regional Office 12.

Ang nasabing gamit ay maaaring mahiram ng libre, pero matapos gamitin ay dapat isauli ito sa munisipyo, ayon kay Pakkal.

Maliban dito may nakalaan din na bagong laminated sack o trapal para sa mga magsasaka ng Kabacan.


Ang nasabing trapal ay may habang sampung metro ang bawat isa nan aka-takdang ipamahagi din ng MAO sa mga magsasaka ng Kabacan para magamit na tolda at sa iba pang gawaing bukid. Rhoderick BEÑEZ

0 comments:

Mag-post ng isang Komento