Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa sa malayong barangay ng Kabacan, mabibigyan na ng malinis na tubig maiinum

(November 27, 2013) ---Sa pamamagitan ng “Sagana at Ligtas na Tubig” o SALINTUBIG Program ay mabibigyan na ng malinis na tubig maiinum ang mga residente ng brgy ng Tamped.

Ito ang sinabi ni Engr. Noel Agor ng Engineering Office ng LGU Kabacan kungsaan abot sa mahigit sa P2Milyong piso ang pondo na nakalaan sa nasabing proyekto.

Ang budget ay galing umano sa Department of Interior and Local Government at ipinapatupad sa pamamagitan ng LGU.

Kabilang sa mga ahensiya na magpapatupad ng programa ay ang: Department of Health, Local Water Utilities administration at ang National Anti-Poverty Commission.

Layon nito na pababain ng 50 porsiento ang populasyon sa bansa na walang mapagkukunan ng malinis na tubig na maiinom. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento