(Kidapawan City/ November 27, 2013) ---Naiuwi ng Off Limits mula sa Kidapawan City ang P10,000 cash na panalo bilang 1st Place sa katatapos na Hip-hop Dance for a cause ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP na ginanap sa Kidapawan City noong Sabado (November 23, 2013).
Nakuha naman ng Prime Soul entry ng Pres. Roxas ang 2nd Place kungsaan nakatanggap ang grupo ng P5,000.00 habang P3,000 naman ang nakuha ng Posma dancers buhat sa bayan ng Midsayap.
Samantala consolation naman ang: New Ztyle Crew ng Mlang, Reverent Knack ng Kidapawan, LDC ng Makilala at grupo mula sa Pigcawayan.
Ayon kay NUJP Kidapawan City Chapter Pres. Malu Cadalena Manar na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ika-apat na commemoration ng karumal-dumal ng Maguindanao Massacre noong Nobyembre a-29, 2009 na ikinamatay ng 58 katao kasama na ang 32 mga kagawad ng media.
Bukod dito sinabi ni Manar na ang proceeds ng Hip-hop dance for a cause ng NUJP ay mapupunta sa mga dependents ng mga mamamahayag na nasawi o disabled dahil sa trabaho.
Nag-alay din ng panalangin ang grupo at nagtirik ng kandila bilang pag-alala sa brutal na pagpatay sa mga kasamahan sa trabaho.
Kinondena din ng grupo ang usad pagong na pagbibigay hustisya sa mga naulila ng Maguindanao Massacre.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Kidapawan City Councilor Ruby Padilla Sison na pumapanday ito ng ilang mga batas na naglalayong pabilisin ang pag-usad ng kaso sa nangyari masaker na kinondena ng buong industriya ng pamamahayag. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Off Limits ng Kidapawan, wagi sa NUJP Hip-hop Dance for a Cause: Season 1
Miyerkules, Nobyembre 27, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento