Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-sumite ng statement ng mga ginasta ng mga kumandidato sa nakaraang halalan hanggang bukas na lamang –Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2013) ---Nagpaalala ngayon ang Comelec Kabacan sa lahat ng mga tumakbo sa katatapos na barangay halalan nanalo man o natalao na hanggang bukas na lamang Nobyenmbre a-27 ang huling araw ng submission ng Statement of Contributions and Expenditures.

Ito ayon kay Kabacan comelec election Officer Gideon Falcis kungsaan 10% pa lamang ang naka-submit ng nasabing dokumento sa kanilang tanggapan ng mga di pinalad na kandidato habang 80% naman ang naka-file na ng kanilang mga ginastos sa nakaraang halalang pambarangay.

Sinabi ng opisyal na may karampatang parusa ang mga hindi makasumite ng kanilang mga Statement of Contributions and Expenditures sa nakalipas na eleksiyon at posibleng ma-diskwalipika ang mga ito na tumakbo sa susunod na halalan.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Falcis ang mga mag-sumite na kung maari ay mag-file na ng mas maaga para di na maabutan ng deadline. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento