(ARMM/ November 25, 2013) ---Pina-iingat
ngayon ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-ARMM ang publiko labansa
mga ahente ng mga recruitment agency na kumukuha ng mga nais magtrabaho sa
ibang bansa.
Ayon kay OWWA-ARMM OIC Habib Malik hinikayat
nito ang publiko na dapat ay kilatising mabuti kung ang recruiter ay lehitimong
myembro ng isang legal na recruitment agency bago pumayag sa alok na trabaho sa
ibang bansa.
Kaugnay nito, pinayuhan din ni Malik ang mga
nagnanais mangibang bansa na tiyaking may kontratang maipakita ang recruiter o
recruitment agency na pinirmahan ng Labor Attache ng bansang pagtatrabahuan at
tiyaking dumaan ito sa POEA bago magbigay ng placement fee.
Dagdag pa ng opisyal, kung walang
maipakitang lehitimong dokumento ang isang recruiter, maaaring kumonsulta sa
OWWA o POEA dahil sila lamang ang may listahan ng mga lehitimong recruitment
agency sa bansa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento