Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay sa Kabacan, gagawin ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2013) ---Isasagawa ngayong araw (November 25, 2013) ang oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng 24 na mga barangay sa Kabacan na gagawin sa Municipal gymnasium alas 8:30 ng umaga.

Manumpa ang mga bagong opisyales kay Municipal Interior and Local Government Officer Aurelio Pulido, Jr. ang bagong MILGOO ng Kabacan.

Dadalo rin sa nasabing oath taking ceremony si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na siya ang magiging panauhing pandangal at tagapagsalita at kahapon pumunta si Gov. Lalas a Brgy. Magatos para sa isinagawa nitong “Pasko sa Piling ni Gob. Lala” kungsaan nabigyan ng regalo ang mga bata at mga senior citizen.

Bukod sa gobernadora, pangungunahan din ni Mayor Herlo Guzman Jr. ang nasabing programa.

Samantala, inilipat naman sa bayan ng Carmen bilang bagong MILGOO si Ivy Cervantes na dating Interior and Local government Officer ng Kabacan kungsaan pinalitan nito ang binakanteng posisyon ni Ryan Quinones na dating MILGOO ng Carmen.

Ginawa ang turn-over ceremony sa Municipal Hall ng Kabacan nitong Huwebes. Rhoderick Beñez










0 comments:

Mag-post ng isang Komento