(Carmen, North Cotabato/ November 24, 2013)
---Itinanggi ng isang barangay opisyal ang diumano’y pangongolekta nila ng toll
fee sa mga sasakyang dumadaan sa Upian Bridge ng Barangay Kibudtungan, Carmen,
North Cotabato.
Ito ang paliwanag ni Barangay Kagawad Jaime
Cellabo matapos mabalitang mayroong toll fee collection sa mga sasakyang
dumadaan sa Carmen-Bukidnon highway bago makatawid sa Upian Bridge na nasira ng
lindol.
Nabatid na sampung tonelada lamang ang
pinapayagang timbang ng mga sasakyang dumadaan sa tulay upang maiwasang masira
ito ng tuluyan at ang sinisingil nila ay ang bayad sa pagdidiskarga ng labis na
lulan ng mga truck.
Iginiit ng opisyal na bukod sa nabanggit ay
wala umanong illegal na koleksiyon ang barangay.
Ang Upian Bridge ng barangay Kibudtungan ay
isa sa mga tulay na napinsala noong tumama ang 5.7 magnitude na lindol noong
buwan ng Hunyo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento