Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Armadong grupo, tumira; 1 utas

(Midsayap, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Isa katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang sugatan ng atakehin ng mga armadong grupo ang Sitio Narra, Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato pasado alas 6:00 kagabi (November 28, 2013).

Ayon kay Barangay Tugal chairperson Ping Kolilong tumagal ng halos sampung minute ang palitan ng putok sa engkwntro na naganap sa kanilang barangay.


Kinilala ang napaslang na si Kasanurin Guialal, residente ng Datu Piang at isa sa mga umatakeng armado na pinangungunahan ni Commander Dadoy Pulalon.

Sugatan naman sa engkwentro ang barangay tanod na kinilalang si Siang Sambata, 40 anyos, residente ng rin ng Barangay Tugal.

Wala namang may mga lumikas na residente sa nasabing labanan, di rin umano rumisponde ang mga pulisya at militar sa nasabing sagupaan ng dalawang pangkat.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Philippine Army's 602nd Brigade spokesperson Capt. Antonio Bulao sa publiko na agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling mamataan si Datukan Samad na mas kilala sa Kumander “Lastikman” sa kanilang lugar.

Tumakas si Lastikman patungo sa bulubunduking bahagi ng Pikit partikular na sa Barangay Balungis.

Si Lastikman ay isang notoryus na magnanakaw ng motorsiklo at nasa likod ng ilang serye ng harassment sa ilang military at police installation sa North Cotabato at Maguindanao. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento