(Magpet, North Cotabato/
December 2, 2013) ---Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Environment
and Natural Resources (DENR) North Cotabato ang sugatang agila na nasagip ng
isang magsasaka sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Ayon kay PSI Realan
Mamon, hepe ng Magpet PNP ang nasabing ibon ay lumilipad sa Barangay Amabel
noong Sabado ng bigla na lamang itong nahulog sa paligid ng Sitio Lubas na nasa
residente ng isang di nagpakilalang magsasaka.
Huli na lamang nakita ng
di nagpabanggit na magsasaka na may sugat ang nasabing Pambansang Ibon.
Ang nasabing ibon ay
tumitimbang ng limang kilometro, lumaki sa ilang at may mabagsik na tindig bago
ito nabaril.
Sinabi ni Magpet Vice
Mayor Efren Piñol na pansamantalang nasa pangangalaga ngayon ng North
Cotabato Provincials Veterinary Office ang nasabing Agila. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento