Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

May deperensiya sa pag-iisip, pinaniniwalaang nag-suicide sa puno ng Niyog

(Antipas, North Cotabato/ December 2, 2013) ---Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 57-anyos  na lalaking pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip matapos na makitang nakalambitin sa puno ng Niyog sa Purok 7, Barangay Dolores, Antipas, North Cotabato alas 4:20 kahapon (November 28, 2013).

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Raymundo Palacios Castillo, 57-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Nakita umanong nakalambitin ang biktima sa puno ng niyog sa sakahan nito, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tirahan.

Naaagnas na umano ang bangkay ng biktima na nakalambitin sa puno ng Niyog ng matagpuan.

Noon pa umanong Nobyembre a-23 ng mawala ang biktimang may deperensiya sa pag-iisip at natagpuang may saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.


Inaalam pa ng mga otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento