(Matalam, North Cotabato/ December 4, 2013)
---Bulagta ang negosyante makaraang ratratin ng dalawang gunmen sa Cotabato-Davao
Highway, partikular sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 9:45 ngayong umaga
lamang (December 2, 2013).
Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Ted
Cespon, 56 residente ng President Roxas, North Cotabato.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, itinumba
ang biktima ng dalawang suspek na lulan ng itim na Kawasaki sa ulo at dibdib.
Sinundan si Cespon ng mga suspek habang
sakay ito sa isang multi-cab mula sa Kilometer 114 sa Barangay PAco, Kidapawan
city at pagbaba sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito na naging dahilan ng
agaran nitong kamatayan.
Hindi pa malinaw kung ano ang totoong motibo
sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento