Written by: Brex Bryan Nicolas
(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2013) ---Nagpamalas muli ng angking galing sa paggawa ng pelikula ang mga studyante ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Lantaw Short film festival 2013 na ginanap kamakailan sa USM gym, Kabacan, Cotabato.
Tampok ang limang pelikula na gawa ng mga mag-aaral sa nabanggit na pamantasan, naglaban laban ang mga ito para sa titulong Best Short Film na nakuha ng Berto, Kulas, Alfonso- isang fantacy action film na gawa ng Multi Takes Productios ng computer science students ng USM.
Kwento ito ng tatlong magkakaibigang naging instant superhero matapos matagpuan ang isang nakahandusay na ermetanyo na nagpamana sa kanila ng super powers.
Nasungkit din ng naturang pelikula ang Best Editing, Breakthrough film of the year, Netizens choice, Best Sound Scoring at Best Visual Effects.
Pumangalawa naman ang pelikulang Hamir na gawa ng Mockkez Productions ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang kolehiyo ng USM, na tumalakay sa buhay pag-ibig ng isang rebelde. Nakuha din ng nabanggit na pelikula ang Best Cinematography at Kultura Award sa pagpapakita nito ng ilan sa mga kultura ng Mindanao.
Ang Lantaw Short Festival ay ang nag-iisang short film festival ng North Cotabato na nagsimula noong 2010.
Lubos naman ang pasasalamat ni Lloyd Anton Von Colita, ang executive director ng Lantaw Fest sa mga sumuporta at nanuod dito. Dagdag pa niya na sa susunod na taon, mas magiging malaki ang naturang festival dahil isang personalidad sa South Cotabato ang nangakong susuporta dito.
(LANTAW SHORTF FILM FESTIVAL 2013 Winners)
Best Short Film: BERTO, KULAS, ALFONSO
2nd Best Short Film: HAMIR
3rd Best Short Film: HAPLOS
4th Best Short Film: NETIZEN SAYS
5th Best Short Film: Y.A.M.E.
Best Story: HAPLOS
Best Director: Chris Herald Duco, BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Actor: JC Loberiza, BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Actress: Hannie Lou Elegio, HAMIR
Best Cinematography: HAMIR
Best Editing: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Sound Scoring: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Poster: HAMIR
Best Trailer: NETIZEN SAYS
Breakthrough Film: BERTO, KULAS, ALFONSO
Dean's Choice: BERTO, KULAS, ALFONSO
Netizens' Choice: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Visual Effects: BERTO, KULAS, ALFONSO
Kultura Award: HAMIR
5th Best Short Film: Y.A.M.E.
Best Story: HAPLOS
Best Director: Chris Herald Duco, BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Actor: JC Loberiza, BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Actress: Hannie Lou Elegio, HAMIR
Best Cinematography: HAMIR
Best Editing: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Sound Scoring: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Poster: HAMIR
Best Trailer: NETIZEN SAYS
Breakthrough Film: BERTO, KULAS, ALFONSO
Dean's Choice: BERTO, KULAS, ALFONSO
Netizens' Choice: BERTO, KULAS, ALFONSO
Best Visual Effects: BERTO, KULAS, ALFONSO
Kultura Award: HAMIR
Great works Multi Takes Productions! - The faculty of the Dept of Computer Science and Information Systems and specially ME would like to say we are very proud of you!
TumugonBurahin