(Kidapawan
City/ December 7, 2013) ---Sa ginanap na Sandugo Awarding Ceremony kamakailan
sa Lungsod ng Kidapawan ay pinarangalan ang mga indibidwal na may malaking
kontribusyon sa pagsusulong ng National Voluntary Blood Donation Services
Program o NVBSP sa nakalipas na taon.
Pinarangalan
ng Sandugo Kabalikat Award si Rep. Jesus Sacdalan dahil sa suporta nito sa
NVBSP partikular sa distrito uno ng North Cotabato.
Ito na ang
ikatlong pagkakataon na nabigyan ng kaparehong parangal si Rep. Sacdalan.
Hinikayat
naman ng kongresista ang mga kabataan at iba pang grupo na patuloy na
suportahan ang blood donation activity sa distrito uno.
Samantala,
iginawad din ang Galloner Award sa mga indibidwal na umabot na sa 1 gallon ang
dugong nai-dodonate.
Kabilang sa
mga ginawaran ng natukoy na parangal ay si Dominador Aspacio ng Midsayap at
sina Marilou Fronda, Cherry Sacdalan, Jonie Queman, Loreta Necosia, Rudy
Betonio at Benny Queman na pawang mula sa bayan ng Libungan.
Ang Sandugo
awards ay itinataguyod ng Department of Healthh- Center for Health Development
12, Philippine Red Cross at ng Philippine Blood Coordinating Council. Roderick
Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento