(Kabacan, North Cotabato/ December 7, 2013)
---Nakumpiska ng mga elemento ng Kabacan PNP katuwang ang City Environment
Officer ang 1,100 mga illegal na torso sa bahagi ng Abellera Subdivision,
Poblacion, Kabacan nitong Lunes ng gabi (December 2, 2013).
Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP lulan ng jeep ang nasabing iba’t-ibang putol at piraso ng mga tabla
ng makumpiska ang mga ito sa isinagawang security at protection patrol ng mga
pulisya sa bayan.
Nang hanapan ng mga papeles ng PNP kasama si
CENDRO Officer Amor Baniaga walang maipakitang dokumento angmga ito.
Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang
mga nakumpiskang mga torso para sa imbestigasyon at kaukulang disposasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento