(Koronadal City/ December 3, 2013) ---Ginawaran
ng parangal ang isa sa mga Barangay Health Worker ng Kabacan sa katatapos na
2013 Regional Nutrition Awarding Ceremony and Launching ng Nutritional
Guidelines for Filipinos na isinagawa sa Koronadal City ngayong araw.
Isa si Pao Padasan tubong Kayaga, Kabacan,
Cotabato sa mga nagwagi sa Longest Serving Barangay Nutrition Scholar na
nagserbisyo ng 34 na taon.
Tumanggap ng cerftificate, token at cash
prize si Padasan.
Bukod sa nabanggit, iba’t-ibang parangal din
ang iginawad ng ahensiya; kungsaan nakuha naman ng bayan ng Pigcawayan ang
Outstanding municipality in the province habang nasungkit naman ni Cristy
Cepeda at Lorena Cabillo ng Kidapawan city sa kategoryang Outstanding BNS sa
lalawigan at lungsod.
Naging panauhing pandangal sa nasabing
aktibidad si A/Sec of Health Maria-Bernardita T. Flores kungsaan hinikaya’t
nito ang Socksargen na pag-ibayuhin pa ang pagsisikap para makapasok sa iba’t-ibang
patimpalak ng National Nutrition Council makaraang di nakapasok ang Rehiyon sa
National level sa iba’t-ibang patimpalak.
Tinawag pa nitong ang pagkatalo ng rehiyon
ay kahalintulad ng pagkatalo at pagkapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Aniya, dapat umanong babangon ang rehiyon at
labanan ang malnutrisyon.
Pagtutuk
sa elemento ng nutrisyon, hinikaya’t ni Flores
Sa kanyang mensahe, iginiit ni Flores na
dapat bigyang diin ng Rehiyon na tutukan ang pagpapaigting sa elemento ng
nutrisyon:
Sinabi nito na dapat sa unang isang libung
araw ay dapat pag-tuunan ang nutrisyon ngbata, tiyakin ang tamang nutrisyon sa
pagbubuntis, eksklusibong breastfeeding, ligtas at akmang complimentary foods
makalipas ang anim na buwan.
Bukod dito, dapat din aniyang ihanay ng
maayos ang programa ng bawat sektor na umaayon sa pagtutok sa malnutrisyon at
gutom.
Mahalaga din na dapat ay may nutrition
office ang pamahalaang lokal na may malawak na saklaw sa malnutrisyon.
At bilang pang-huli, dapat ay may skilled at
dedicated na barangay health workers na dapat pangunahan ng Punong Barangay.
Aniya, tinawag pa nitong silent killer ang
malnutrisyon, na di namamalayan kungsaan humahantong sa malnutrisyon.
Nutritional
Guidelines for Filipinos, nirepaso
Inilunsad din kanina ang Revised NGF ng
National Nutrition Council na pinangunahan ni A/Sec of Health Maria-Bernardita
T. Flores kasama si National Program Coordinator Arceli Latonio, city
administrator ng Koronadal city bilang kahalili ni Mayor Peter Miguel.
Matapos nito, ay nagsagawa din ng Signing of
Pledge of Commitment ang bawat partisipante.
The 2012 Nutritional Guidelines for
Filipinos includes the following messages:
1.
Eat a variety of foods everyday to get the nutrients needed by the body.
2.
Breastfeed infants exclusively from birth up to six months, then give
appropriate complementary foods while continuing breastfeeding for two years
and beyond for optimum growth and development.
3.
Attain normal body weight through proper diet and moderate physical
activity to maintain good health and prevent obesity.
4.
Consume fish, lean meat, poultry, egg, dried beans or nuts daily for
growth and repair of body tissues.
5.
Eat more vegetables and fruits everyday to get the essential vitamins,
minerals and fiber for regulation of body processes.
6.
Limit intake of salty, fried, fatty and sugar-rich foods to prevent
cardiovascular diseases.
7.
Consume milk, milk products, and other calcium-rich foods, such as small
fish and shellfish, everyday for healthy bones and teeth.
8.
Use iodized salt to prevent Iodine Deficiency Disorders.
9.
Consume safe foods and water to prevent diarrhea and other food- and
water-borne diseases.
10.
Be physically active, make healthy food choices, manage stress, avoid
alcoholic beverages and do not smoke to help prevent lifestyle-related
non-communicable diseases. Rhoderick Beñez & Brex Bryan Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento