Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Imam, patay sa ambush sa Pigcawayan

(Pigcawayan, North cotabato/ December 4, 2013) ---Napaslang ang isang Muslim Mosque prayer Lider o mas kilala sa tawag na “Imam” matapos na lusubin ng 50 mga armadong grupo ang isang barangay sa Pigcawayan, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kamakalawa.

Ang biktima ay di pa kinilala ng Mindanao Human Rights Action Center (MinHRAC) habang agad namang inilibing batay sa tradisyon ng muslim.

Batay sa report, inatake umano ngmga armadong grupo ang Barangay Patot sa nasabing lugar na nagresulta ng ilang oras na bakbakan.

Daan-daang mga residente namang angnagsilikas matapos na maipit sa nasabingkaluguhan at pansamantalang nanunuluyan sa Patoto Elementary School.

Sa ngayon, nanawagan ng tigil-putukan ang mga residenteng naapektuhan ng giyera para makabalik na ang mga ito sa kanilang tahanan.

Nagsimula ang bakbakan alas 11:00 ng umaga kahapon at nagtapos ala 1:00 ng hapon kahapon.

Ang mga naglalabang grupo ay sa pagitan ng aramadong pangkat at ang pamilya ng napaslang na Imam sa lugar.

Sa ngayon nag-pakalat na ng dagdag na pwersa ng kapulisan sa nasabing lugar ang Pigcawayan PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento