Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Palm Oil Crushing Mill, itatayo sa probinsiya ng North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ April 22, 2013) ---Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking ng itatayong kauna-unahang New Palm Oil Crushing Mill sa Palm Oil Factory Site na nasa Brgy. Tacupan, Carmen, North Cotabato.


Nanguna sa nasabing ground breaking si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kungsaan ang nasabing proyekto ay isang joint venture sa Univanich Palm Oil Public Company buhat sa bansang Thailand na dinaluhan mismo ng chairman na si Mr. Apirag Vanich.

Kaugnay nito, inihayag ni Mr. Vanich na nagsimula ang kanilang negosyo  taong 1969 na pagtatanim ng oil palm sa Thailand at nais nitong ibahagi ngayon dito sa bansa sa pamamgitan ng nasabing joint venture.

Sinabi ni Carmen Mayor Roger Taliño na matapos ang programa kanina ay agad namang susundan ang konstruksiyon ng bagong Palm Oil Crushing Mill na naglalayong palakasin ang ekonomiya hindi lamang ng bayan ng Carmen kundi maging ng buong probinsiya, partikular na ang Palm Oil Farmers
.
Aniya, lilikha ito ng maraming trabaho na magpapataas sa kita ng mga mamamayan ng Carmen.

Sa kanyang mensahe, iginiit ng gobernador na walang single amount mula sa gobyerno ang iginugol sa nasabing proyekto na matagal na ring pangarap ng kanyang ama na magtayo ng nasabing crushing mill.

Aniya, itatayo sa Carmen ang nasabing proyekto dahil sa transparency commitment at dedikasyon ng liderato ng kanyang ama, patunay lamang ito dahil sa walang katunggali ang opisyal sa pulitika sa bayan ng Carmen.

Sinabi ng gobernador na bilang punong ehekutibo ng probinsiya, responsibilidad nito ang paghihikayat sa mga investors na maglagak ng puhunan sa probinsiya.

Ito para maka-generate ng maraming trabaho at kita sa mga Cotabateños at maitaas ang buwis para may pantustos sa mga pangangailangang serbisyo ng gobyerno.

Bukod dito, tinukoy din ng opisyal ang sinimulang 3 libung erktarya ng pineapple plantation sa bayan ng Banisilan, Del Monte Philippines sa bayan ng Tulunan at ang patapos na konstruksiyon ng Gaisano Mall sa Kidapawan City. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento