(Matalam, North Cotabato/ April 25, 2013)
---Tinanggal ng Comelec Matalam ang mga posters ng mga pasaway na kandidato na
wala sa common poster area sa bayan ng Matalam kahapon.
Nanguna sa nasabing operation baklas si
Matalam Comelec Election Officer Jocelyn Obrique kasama ng Matalam PNP na
nagbigay ng seguridad sa nasabing operasyon.
Sa panayam ng DXVL News 94.9 Radyo ng Bayan
kay Operation Officer SP04 Froilan Gravidez na marami kasi sa Poblacion ng
Matalam ang mga propaganda ng mga pulitiko na wala sa tamang lugar.
Aniya, ang operation baklas na nagsimula ala
1:00 ng hapon kahapon ay mag-tuloy-tuloy hangga’t marami pa ring mga paglabag
ang mga supporters ng mga kandidato.
Maliban dito nagsagawa din ang Matalam PNP
ng orientation kasama ang Board of Election Inspectors o BEI’s sa mahigit sa
200 mga botante kahapon na ginanap sa Matalam Central Elementary School.
Ito para ipabatid sa mamamayan ang kanilang
karapatan sa pagboto at ang tamang proseso ng halalan ngayong May 13, 2013.
Matapos ang nasabing orientation kahapon ay
agad na tumungo ang grupo sa kanilang operation baklas.
Ang nasabing hakbang ng Comelec ay batay sa
Section 24 ng Comelec Resolution number 9615 ang pag-iimplemanta ng RA 9006 o
Fair Election Act.
Patuloy naman ang panawan ng opisyal sa mga
kandidato at maging sa taong bayan na wag labagin ang omnibus election code.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento