(Kabacan, North
Cotabato/ April 27, 2013) ---Magsasagawa ng Field Exposure sa tinamaan ng
matinding hagupit na Bagyong Pablo ang Municipal Social Welfare and Development
Office at ang Day Care teachers ng LGU Kabacan.
Tutulak ang grupo sa
April 27 at 28 para sa nasabing aktibidad.
Ang nasabing
programa ay pangungunahan ni MSWD Officer Susan Macalipat kungsaan magsasagawa
angmga ito ng iba’t-ibang mga aktibidad kagaya ng story telling sa mga
kabataan, parlor games at pamimigay ng mga used clothing at mga laruan.
Matatandaan na unang
pumunta ang LGU-Kabacan kasama ng grupo ng USM sa pamimigay ng tulong sa lugar
noong nakaraang buwean ng Disyembre.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento