(North Cotabato/ April 24, 2013) ---Tinatayang
abot sa 500 na mga kabataang kasapi ng Tulong Kabataan Volunteers North
Cotabato Chapter ang tutulak patungong Compostela Valley para sa isang massive
tree planting sa April 28.
Ayon TKV-North Cotabato, makikiisa
ang mga miyembro sa iba pang kabataan sa Mindanao na sabay-sabay na
pupunta sa Barangay Nga-an sa Compostela para pagtatanim ng daan-daang endemic
trees doon.
Matapos naman ang tree planting sa
lugar ay tutunguhin naman ng grupo ang Davao Oriental para sa kahalintulad na
tree planting.
Sinabi ng TKV-North Cotabato na
malaki ang magagawa ng sama-samang pagtatanim ng mga punong-kahoy para
maka-recover ang Compostela at ang Davao Oriental mula sa malaking kasiraang
idinulot ng bagyong Pablo noong Dec. 2012.
Bahagi rin daw ng selebrasyon ng Earth
Day sa April 28 ang naturang tree planting activity. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento