(Kabacan, North Cotabato/ April 25, 2013)
---Nagsasagawa na ngayon ng data gathering ang binuong fact finding ng Commission
on Higher Education o CHED hinggil sa nangyaring gusot sa University of
Southern Mindanao o USM.
Ito ang ibinunyag ni Kabacan Ambassadress
for Peace at dating alkalde Luzviminda Jumuad Tan sa panayam ng DXVL News
kahapon.
Aniya nasa Davao City na ang binuong Fact
finding na siyang sisiyasat sa nangyaring gusot sa Unibersidad.
Kaugnay nito, inatasan na rin ang grupo ng mga
raliyesta na isulat at ipa-notarized ang kanilang mga demand charges at mga
hinaing hinggil sa umano’y mga anomalyang kinasasangkutan ni re-appointed Pres
ng USM na si Dr. Jesus Antonio Derije.
Matapos nito, inihayag ni Tan na ipapadala
yung kanilang mga sulat sa Davao city kungsaan nandoon ngayon ang fact finding
committee na nagsasagawa ng data gathering.
Bagama’t di pa mabatid ng Unang Ginang kung
kailan darating ang FFC team sa USM, tiniyak naman nitong pupunta ang grupo
matapos ang isinasagawang data gathering ito para sa gagawing validation ng
dokumento. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento